Ridge of high pressure area at easterlies, patuloy na umiiral sa PAR

PAGASA

Walang sama ng panahon na namomonitor ang PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility. Ayon sa weather bureau, patuloy na iiral ang easterlies sa Mindanao at ridge of high pressure area sa nalalabing bahagi ng bansa.

Bagaman magiging mainit ang temperatura ay posible naman ang mga pag-ulan dahil sa isolated thunderstorms sa hapon o gabi.

Magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap ang papawirin sa buong bansa.

Sa Metro Manila, aabot sa 35 degress celsius ang temperatura ngayong araw.

Naitala naman ang pinakamainit na heat index kahapon sa Andulong, Batangas kung saan naitala ang 48 degrees celsius.

Read more...