Biyahe nina Sec. Bello at Roque patungong Kuwait hindi natuloy

Naunsyami ang biyahe nina Labor Secretary Silvestre Bello III at Presidential spokesperson Harry Roque patungong Kuwait.

Nakatakda sanang magtungo ng Kuwait kahapon ang dalawang opisyal para ayusin ang diplomatic row na nagaganap ngayon sa pagitan Kuwait at Pilipinas dahil sa viral video ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung saan nagsagawa ng rescue operations sa mga distressed overseas Filipino workers.

Hindi nagustuhan ng Kuwait ang operasyon ng embahada at paglabag umano ito sa kanilang soberensya.

Ayon kay Roque, hahayaan na lamang nila si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na ayusin ang naturang gusot.

Sa ngayon, sinabi ni Roque na hindi aniya mabatid kung ano na ang mga susunod na hakbang nina Cayetano at Bello.

Read more...