Sec. Teo dapat nang magbitiw sa pwesto — Akbayan

Pinagbibitiw sa pwesto ng Akbayan Party-list si Department of Toursim (DOT) Secretary Wanda Tulfo-Teo.

Ipinahayag ni Akbayan spokesman Gio Tiongson na ang pag-anunsyo ng kampo ni Teo na ibabalik ng Bitag Media ang P60 milyong ibinayad ng DOT para sa advertisements ay pag-amin na nagkamali sila.

Sinabi ni Tiongson na magbibitiw sa pwesto si Teo kung may delicadeza siya.

Iginiit din ng Akbayan na bagaman ibabalik na ng Bitag Media ang pera, hindi dapat matigil ang imbestigasyon dito.

Read more...