Alfredo Lim, naghain na ng COC para sa mayoralty race sa Maynila

LIM
Jodi Agoncillio/Inquirer

Naghain na ng kaniyang certificate of candidacy para muling tumakbong alkalde ng Maynila si dating Mayor Alfredo Lim.

Dumating sa Comelec Office sa Aroceros Manila ang 85 anyos na si Lim na dati na ring naging senador.

Kasama ni Lim si Manila 1st District Rep. Benjamin “Atong” Asilo na tatakbong vice mayor ni Lim.

Makakalaban ni Lim si incumbent Mayor Joseph Estrada na hindi pa nakakapaghain ng kaniyang COC at si Manila 5th Dist. Rep. Amado Bagatsing na nakapaghain naman nan g COC kahapon.
Noong 2013 elections, tinalo ni Estrada si Lim. Naghain pa si Lim ng disqualification case laban kay Estrada pero ibinasura lamang ito ng Korte Suprema.

Naging alkalde ng Maynila si Lim mula 1992 hanggang 1998. Naging kalihim din si Lim ng Department of Interior and Local Government (DILG) mula 1998 hanggang 2001.

Read more...