Playboy magazine, hindi na maglalalabas ng hubad na larawan

Playboy magMagpapatupad ng malaking pagbabago ang pamunuan ng adult magazine na ‘Playboy’ sa kanilang mga articles.

Sa report ng New York Times, kinumpirma ni Scott Flanders, chief executive ng kumpanyang Playboy na hindi na sila magpu-publish ng mga larawan ng mga hubad na babae.

Noong nakaraang buwan, nagkasundo umano sina Playboy Founder at editor-in-chief Hugh Hefner at top editor Cory Jones na ipatupad ang nasabing pagbabago.

Aminado ang Playboy magazine na malaki ang naging epekto sa kanila ng internet kung saan halos lahat ay kaya nang makapag-access ng mga larawan ng kababaihan gamit ang mga smart phones.

Sa halip na mag-publish ng mga hubad na larawan ng babae, sinabi ng Playboy na gagamit na itutuloy nila ang pag-feature sa mga babaeng ‘provocative’ ang pose.

Mula noong 1975 kung saan kumita ang Playboy magazine ng 5.6 million ay bumagsak sa 800,000 na lamang ang kita nito.

Kabilang din sa mga pinag-aaralan pang pagbabago ay kung itutuloy pa ang pagkakaroon ng ‘centerfold’ ng magazine.

Read more...