Ipinangako ni Russian President Vladimir Putin na isusulong niya ang reporma sa ekonomiya ng kanilang bansa upang maisaayos ang pamumuhay ng kanyang mga kababayan.
Ito ang naging bahagi ng talumpati ni Putin para sa kanyang panunumpa bilang pangulo ng Russia sa ikaapat na termino.
Ani Putin, layunin niyang magkaroon ng mas maayos na kalidad ng buhay, seguridad, at kalusugan ang lahat ng kanyang nasasakupan.
Layunin din nito na mapaganda pa ang ekonomiya ng bansa at maitaas ang kanilang competitiveness sa larangan ng teknolohiya.
Matatandaang nanalo si Putin sa eleksyon noong Marso matapos niyang makakuha ng 77% ng boto ng mga Russians.
Sa kabuuan, 18 taon nang nanunungkulan bilang pangulo ng Russia si Putin, bukod pa ito sa isang taon kung saan siya ang naging acting president.