Pulis patay matapos tambangan sa Sorsogon

Napatay ang isang pulis matapos tambangan ng mga hininalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Tejada sa Pilar, Sorsogon.

Kinilala ang pulis na si PO1 Darwin Borsil, 34 na taong gulang, at nakadistino sa Castilla Municipal Police.

Batay kay Senior Superintendent Marlon Tejada, hepe ng Sorsogon Police Provincial Office, lumabas sa kanilang imbestigasyon na pabalik na si Borsil sa himpilan ng mga pulis sakay ng kanyang motorsiklo nang tambangan ng hindi bababa sa limang kalalakihan.

Dito na walang habas na pinaputukan ng mga suspek ang pulis na agad namatay dahil sa dami ng tama ng bala sa kanyang katawan.

Patuloy ang isinasagawang pursuit operations ng pinagsanib pwersang Pilar at Castilla Municipal Police upang masakote ang mga rebeldeng nasa likod ng pananambang.

Read more...