Bangkay natagpuang nakasilid sa sako sa Tondo, Maynila

(UPDATE) Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa loob ng isang sako sa Road 10, Tondo, Maynila.

Ayon sa kawani ng barangay na siyang unang dumating sa lugar, bandang 11:30 ng gabi nang idulog sa kanila ng mga kabataan ang tungkol sa sako. Ayon umano sa mga kabataan, naghinala silang tao ang laman ng sako dahil nakita nilang lumabas mula dito ang isang braso.

Kaya naman agad na nagtungo ang mga otoridad sa lugar at nang siyasatin ay doon na nila nakumpirmang tao nga laman ng sako.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang biktima na nakasuot ngitim na t-shirt at cargo shorts. Tinatayang nasa 40 taong gulang pataas ang lalaki.

Sa pagpoproseso ng SOCO sa bangkay ay nakuhanan ito ng wallet na may lamang dalawang ID ngunit ayon sa mga otoridad, kukumpirmahin pa muna nila kung pag-aari ba ng lalaki ang nasabing wallet.

Saksak sa leeg ang itinuturong dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Hinala ng mga taga-barangay, posibleng biktima ng summary execution ang lalaki.

Read more...