Katy Perry at Orlando Bloom muling nagkakamabutihan

Vanity Fair Photo

Isang taon simula nang sila ay maghiwalay ay muling nagkakamabutihan ang pop star na is Katy Perry at Hollywood actor na si Orlando Bloom.

Sa isang panayam, inilarawan ni Orlando si Katy bilang isang ‘remarkable human being.’

Ayon pa sa aktor, hindi niya mapipili kung kanino siya mapapaibig.

Sa ngayon ay ayaw pa ni Orlando na lagyan ng label ang kanilang relasyon ni Katy. Ngunit nilinaw nito na kapwa sila gumagawa ng effort para manatiling konektado sa isa’t isa, bagaman pareho silang abala — nasa tour ngayon si Katy, habang mayroon namang play na ginagawa si Orlando.

Ayon pa sa aktor, mayroon siyang respeto para kay Katy at malalim ang kanyang nararamdaman para dito.

Isang taon ring naging magkarelasyon si Katy at Orlando, ngunit March 2017 nang sila ay maghiwalay.

Read more...