Palasyo ginagawan ng paraan ang isyu sa West Philippine Sea

Walang nararamdaman na pagtataksil ang Pilipinas sa China.

Ito ay sa kabila ng ulat na naglagay na ng missile system ang China sa West Philippine Sea.

Una rito, nangako ang China na hindi magsasagawa ang kanilang hanay ng bagong reklamasyon sa mga isla sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi naman sinasabi ng Palasyo na walang ginagawa ang gobyerno ukol sa isyu sa West Philippine Sea.

Lahat aniya ng diplomatic initiatives ay ginagawa na ng pamahalaan.

Gayunman, sinabi ni Roque na hindi naman maaaring isapubliko ang lahat ng ginagawa ng gobyerno.

Bukod dito, sinabi ni Roque na hindi rin naman itinuturing ng China na banta ang Pilipinas.

Read more...