Monarkiya at Pederalismo, gustong isulong ng 1 nais maging pangulo at 1 nais maging senador ng bansa

VP SENTatlumpu na ang bilang ng mga naghahain ng certificate of candidacy (COC) sa pagka-pangulo.

Sa listahan ng Comelec, as of 12nn, ang mga nakapag-file na ng COCs ay 27 sa presidente, 4 sa bise presidente at 20 sa senador.

Kabilang sa mga pinakabagong naghain ng COC sa pagka-Pangulo au sina Alfredo Tindungan, Romeo Ygonia, Randy Winstanley, Cornelio Sadsad Jr.,at Marita Arilla.

Si Arilla ay nangakong magtatayo ng absolute monarchy na sistema ng gobyerno na aniya ay mayroong ‘unlimited power from God’.

Samantala sa pagka-senador kabilang sa mga naghain ng COC ngayong araw maliban kina dating Senior Citizen Party List Rep. Godofredo Arquiza, at Leyte 1st Dist. Rep. Martin Romualdez, ilang ordinaryong mamamayan din ang nagsumite ng COC.

Kabilang dito sina Ronaldo Mirano ng Marinduque at si Victor Quijano na isang chemical engineer.

Ayon kay Quijano, isusulong niya ang federal system sa gobyerno. Dumating si Quijano sa Comelec nan aka shorts, t-shirt at sandalyas nang siya ay maghain ng COC.

Read more...