Giit ni Ejercito lantarang pambabastos na sa soberenya ng Pilipinas ang hakbang na ito ng China dahil hindi lang airfield o istraktura ang inilagay sa tatlong isla.
Aniya sinusuportahan niya ang administrasyong-Duterte ngunit sa huling pangyayaring ito ay kailangan nang maghain ng diplomatic protest laban sa China.
Banggit pa ng senador, maari naman maipagpatuloy pa rin naman ang ugnayang pang ekonomiya ng dalawang bansa pero hindi na dapat palagpasin ang pagpasok sa ating teritoryo.
Pagdidiin ni Ejercito nakasaad sa Saligang Batas na dapat ay ipaglaban natin ang ating teritoryo.