3 Abu patay, 7 sugatan sa bakbakan sa Patikul, Sulu

Inquirer file photo

Pitong sundalo ang sugatan matapos nilang makabarilan ang ilang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Sitio Sangay, Brgy. Buhanginan Patikul, Sulu.

Ayon kay BGen. Cirilito Sobejana, Commander ng Joint Task Force Sulu, naganap ang engkwentro kaninang 6:14 ng umaga habang nagsasagawa ng security operations at nire-rescue ng tropa ng 21 Infantry Batallion ng JTF ang dalawang babaeng PNP personnel na dinukot ng grupo.

Nasa 70 bandido raw ang nakaharap ng militar na pinamumunuan ng kanilang sub-leaders na sina Idang Susukan at Almujer Yadah.

Nagresulta ang engkwentro sa pagkakasugat ng pitong sundalo habang tatlo naman ang napatay sa mga miyembro ng bandidong grupo.

Patuloy ang operasyon ng militar sa Sulu at paghabol sa mga nakatakas na bandido.

Read more...