Ayon kay Lt. Col. Harold Cabunoc, komander 33rd Infantry Battalion, inaresto ng mga otoridad si Lasian Manibpel.
Ipinahayag ni Cabunoc na sinalakay ng pulisya at militar ang bahay ni Manibpel matapos ang pagsabog sa labas ng isang simbahan sa Koronadal City noong April 29.
Ayon sa militar, miyembro umano ng MILF ang suspek batay sa identification card na narekober sa kanyang bahay.
Ilan sa mga nakumpiska sa bahay ni Manibpel ang isang bomba, rifle grenades, M16 rifle at dalawang shotguns.
Ayon kay Senior Supt. Nestor Salcedo, hepe ng South Cotabato police, ang mga sangkap sa pampasabog na nakuha sa bahay ng suspek ay kahalintulad ng bomba sa pagpapasabog sa Koronadal City.
Ani Salcedo, posibleng si Manibpel ang gumawa ng bomba na ginamit sa pagpapasabog sa labas ng simbahan sa naturang lungsod.