Kinilalala ang biktima na si Betchie Yap, staff ng Autonomous Region in Muslim Mindanao Emergency Action and Responsse Team.
Sugatan naman sa insidente ang apat na kasama ni Yap, kabilang ang dalawang barangay kagawad.
Ayon kay Chief Supt. Graciano Mijares, hepe ng ARMM polcie, galing sa Upi, Maguindanao ang mga biktima papunta sa Cotabato City.
Ikinukunsidera ng pulisya ang pulitika bilang motibo sa pananambang.
Natukot na rin ng pulisya ang mga suspek sa insidente.
Naglunsad na ng hot pursuit operations ang pulisya para tugisin ang mga nasa likod ng krimen.
MOST READ
LATEST STORIES