Ngayong umaga, dalawa ang nakapagsumite ng kanilang COC na kinabibilangan ng grupong Coalition of Senior Citizen at ang grupong Bisdak, na naglalayon na magkaroon ng representasyon sa Kongreso ang mga nasa Visayas region.
Ayon kay David Odilao, 78 anyos, na first nominee ng Bisdak at residente ng Talisay, Cebu, kakatawanin nila ang mga Cebuano sa na aniya ay hindi napagkakalooban ng tamang atensyon mula sa gobyerno.
Kumpyansa naman si 2nd nominee at Retired PNP Gen. Van Luspo, na kayang-kaya nila na makakuha ng tatlong pwesto sa party list representation.
Samantala, sa lokal na halalan, isa ang aktor na si Vandolph Quizon sa mga naghain ng COC para tumakbong konsehal ng ikalawang distrito ng ParaƱaque City.
Naghain na rin ng COC si dating Muntinlupa Mayor Aldrin San Pedro.
Ayon kay San Pedro, nais niyang ibalik sa Muntinlupa ang equal opportunity sa lungsod.
Sa Laguna naman, naghain ng kaniyang COC si 3rd district representative si Sol Aragones na isang re-electionist.
Bago naging mambabatas, naging TV reporter muna si Aragones sa isang giant TV station.
Sa Cebu naman, naghain na ng COC si Cebu 6th District Rep. Luigi Quisumbing na tatakbong mayor ng Mandaue City sa ilalim ng Partido Liberal.
Makakatandem ni Quisumbing si Carlo Fortuna na tatakbong vice mayor kasama ang sampung konsehal.