LOOK: Pangulong Duterte dinumog sa mall sa Makati noong Sabado ng gabi

Dinumog ng mga tao si Pangulong Rodrigo Duterte nang dumaan ito sa Greenbelt 5 sa Makati City noong Sabado ng gabi.

Ayon sa ulat, nagtungo ang pangulo sa bilihan ng mamahaling relo sa loob ng mall matapos siyang dumalo sa closing dinner ng 51st Asian Development Bank Annual Meeting sa Mandaluyong City.

Sa mga larawan na kumalat sa social media, makikita ang pangulo na napapalibutan ng mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG) habang tila nag-uunahan ang mga tao na makalapit at makapagpakuha ng larawan sa kaniya.

Ilan sa kanila ay napagbigyan ng pangulo na makapagpa-selfie.

Sa isang video naman na pinost sa twitter makikita ang pangulo habang nasa loob ng branch ng Jaeger LeCoultre na isang Swiss luxury watch at clock manufacturer.

Noong nakaraang Disyembre, nagtungo din ang pangulo sa Greenbelt 5 para bumili ng backpack na lagayan ng kaniyang gun magazines.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...