Umarangkada na ngayong araw ang ika-34 na Balikatan exercises sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos.
Ayon kay Lt. Liezl Vidallon, Balikatan Public Affairs Director, kaiba sa mga naunang joint military exercises, mas mataas ngayon ang antas ng pagsasanay ng mga sundalo na lalahok sa Balikatan.
Sesentro kasi ito ngayon sa mga man-made calamities katulad na lamang ng chemical attack.
Bukod dito, tutuon din ang naturang aktibidad sa counter terrorism, humanitarian assistance at disaster response.
Samantala, inihayag din ni Villadon na makikibahagi rin ang Japan at Australia sa major events ng Balikatan.
Tatagal ang Balikatan exercise hanggang May 18 at gaganapin sa iba’t ibang bahgi ng bansa.
Tinataya namang nasa 5,000 sundalo mula sa Pilipinas at 3,000 mula sa Estados Unidos ang makikibahagi sa Balikatan 2018.
WATCH: Ika-34 na Balikatan Exercises sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, umarangkada na | @MMakalaladINQ pic.twitter.com/U6Na9N9fpX
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) May 7, 2018