Apat ang patay sa sunog sa Iloilo City

Nasawi sa sunog ang apat katao habang nasugatan ang apat na iba pa sa sunog sa La Paz, Iloilo City.

Ayon kay Fire Chief Inspector Christopher Regenia, na-trap sa loob ng nasusunog na bahay ang mga biktima.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ribira Avelino. Evangeline Jerapusco, Richard Jerapusco Jr. at Maria Christine Dolente.

Nasugatan naman sina Jayvee Avelino, Carla Avelino, James Avelino at Jimboy Avelino.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...