Driver ng jeep na naglabas ng ari sa harap ng babae sa QC, ginulpi ng taumbayan

Bugbog-sarado at halos hindi na makadilat pa ang tsuper ng isang pampasaherong jeep matapos gulpihin ng galit na galit na taumbayan sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagpakita ng kanyang ari ang jeepney driver na kinilalang si Renante Beringuela sa isang ginang sa IBP Road, Batasan Hills.

Sa imbestigasyon ni PO3 Eligio Angeles ng QCPD station 6, habang kumakain ng hamburger sa tindahan ang 22-anyos na misis nang huminto sa tapat niya ang isang jeep na may byaheng Panay-Lagro.

Bumaba ang driver na si Beringuela at saka inilabas ang ari at pinaglaruan pa sa harap ng natakot na biktima.

Agad nakapagsumbong ang ginang sa mga nagrorondang tanod, pero nauwi sa habulan ang pag-aresto sa suspek na tumagal ng 30-minuto.

Nagpaikot-ikot pa sa IBP Road, Payatas at Commonwealth ang jeep na minamaneho ng suspek.

Tumigil lamang ito nang mabangga sa concrete barrier sa Commonwealth Avenue at na-sandwich pa ng isang van at bus at dito na pinagtulungang bugbugin ng taumbayan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...