Murang commercial rice, mabibili na rin sa mga palengke sa Bulacan

Kuha ni Jong Manlapaz

Mabibili na rin sa mga palengke sa lalawigan ng Bulacan ang P39 kada kilo na commercial rice na layong mabigyang opsyon ang mga mamimili para sa murang bigas dahil sa kakapusan ng suplay ng National Food Authority (NFA) rice.

Noong Biyernes sinimulang ibiyahe ang saku-sakong mga bigas mula sa Bulacan Rice Millers Association (BRMA) patungo sa NFA Bulacan na siyang namahagi naman nito sa mga palengke.

Una nang nagpadala ng sako-sakong commercial rice na ibinebenta sa P39 kada kilo ang mga rice millers mula Nueva Ecija at Isabela patungong Metro Manila noong nakaraang buwan.

Sa Bulacan, mahigit isang daang miyembro ng BRMA ang sumang-ayon na magsuplay ng murang commercial rice sa mga palengke sa lalawigan.

Sa simula, 10,000 sako ng bigas ang ipinakalat sa mga palengke na inaasahang madaragdagan pa sa mga susunod na linggo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...