Luzon apektado ng ridge of high pressure area; easterlies umiiral naman sa Visayas at Mindanao

Walang anumang sama ng panahon na namamataan ang PAGASA papalapit ng bansa.

Tanging Ridge ng High Pressure ang umiira sa buong Luzon habang easterlies naman ang nakaaapekto sa Visayas at Mindanao.

Ayon sa weather forecast ng PAGASA, Sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon magiging maaliwalas at mainit ang panahon at magkakaroon lamang ng isolated na mga pag-ulan sa hapon o gabi.

Bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin lang din ang iiral sa Visayas at sa Mindanao at makararanas lamang ng localized thunderstorms.

Kahapon araw ng Linggo, ang pinakamainit na temperatura na naitala ng PAGASA sa Metro Manila ay umabot sa 34.2 degrees Celsius dakong ala 1:50 hapon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...