Mahigit 2 libong residente inilikas dahil sa pagputok ng Bulkang Kilauea sa Hawaii

AP Photo

Umabot na sa mahigit dalawang libong katao ang inilikas dahil sa pagputok ng Mt. Kilauea sa Big Island sa Hawaii.

Dahil sa pag-aalburuto ng nasabing bulkan, tinatayang 20 ektaryang Papaya farm ang naapektuhan.

Siyam na bahay na ang winasak ng lava na mula sa crater ng bulkan.

Ayon sa mga otoridad, sa mga susunod na araw ay posibleng magbuga pa ng mas maraming lava ang bulkan.

Patuloy ring nakapagtatala ng mga pagyanig dahil sa aktibidad ng Mt. Kilauea.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...