Positibo ang naging tugon ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel sa naging panawagan ni dating Solicitor General Florin Hilbay sa Senado na imbestigahan ang umano’y militarisasyon sa West Philippine Sea.
Ito ay matapos ang mga ulat na nagdeploy ng missile system ang China sa tatlong reefs sa nasabing karagatan na inaangkin ng Pilipinas.
Ayon kay Pimentel, dapat ay alamin ng foreign relations committee ng Mataas na Kapulungan kung ano ang tunay na nangyayari.
“Yes, Senate foreign relations committee should first find out what really is happening,” ani Pimentel.
Pagkatapos anya ay dapat pulungin ng komite ang Department of Foreign Affairs (DFA) upang madetermina kung ano ang dapat gawin sa ginagawa ng China sa WPS.
“Then have a closed-door confidential briefing on how the Department of Foreign Affairs intends to handle what is happening on the ground [after this is confirmed],” dagdag pa niya.
Naunang naisiwalat ang aksyong ito ng China sa pamamagita ng ulat ng US news network na CNBC.
Nagpahayag na rin ng pagkabahala ang Malacañang tungkol sa nasabing ulat.