Sinimulan nang dasalin sa mga parokya at simbahan sa Archdiocese of Manila ang inilabas na panalangin ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Naglabas ng circular letter si Rev. Fr. Reginald Malicdem ng Chancery Office ng RCAM na humihimok sa lahat ng parokya at komunidad na sakop ng Archdiocese na dasalin ang panalanging inilabas ng CBCP sa lahat ng misa mula May 6 hanggang May 13.
Dinadasal ito matapos ang post-communion prayer ng bawat misa.
Ang dasal na mababasa sa mga wikang Ingles, Tagalog at Cebuano ay nanghihikayat sa mga botante na piliin ang mga kandidatong makapagtataguyod sa ‘katotohanan, katarungan at pagtataas sa dignidad ng mga tao’.
MOST READ
LATEST STORIES