34th Balikatan Exercise hindi pwedeng i-cover ng media

Bawal nang i-cover ng media ang 34th Joint Military Field exercise ng Pilipinas at Amerika na gaganapin sa Zambales at Tarlac.

Una nang inimbitahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga kagawad ng media na i-cover ang joint military exercise subalit sa hindi malamang dahilan ay bigla na itong ipinagbawal.

Wala namang ibinigay na rason ang pamunuan ng AFP.

Magsisimula ang amphibious landing exercise sa Naval Education Training Command sa San Antonio, Zambales sa May 9, habang gagawin naman ang combined arms live fire exercise sa Colonel Ernesto Rabina Air Base o Crow Valley sa Tarlac sa May 15.

Matatandaang sa mga nakaraang Balikatan Exercise, palagi nang iniimbitahan ang mga kagawad ng media para i-cover ang naturang event.

Read more...