Supply ng kuryente sapat para sa May 14 elections

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na sapat ang suplay ng kuryente sa May 14, araw ng barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, nakalapagtalag na ng contingency ang kanilang hanay matapos ang pagpupulong ng Task Force on Energy Resiliency.

Dagdag ni Cusi, walang interruption na magaganap sa power supply sa araw ng halalan.

Bukas, araw ng Lunes, May 7 ay magkakaroon ng pagpupulong ang energy team sa Commission on Elections (COMELEC) para paghandaan ang nalalapit na araw ng halalan.

Read more...