Cayetano dinepensahan ang pahayag ni Pangulong Duterte laban kay Ex-PNoy

To the rescue si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano kay Pangulong Duterte makaraang sisihin ng punong-ehekutibo ang Estados Unidos at si dating pangulong Noynoy Aquino dahil sa bigong pagpigil umano ng mga ito na makapagpatayo ang China ng military installations sa South China sea.

Sabi ni Cayetano, ang ibig sabihin ng pangulo ay walang ginawa si Aquino at ang Amerika sa naging hakbang ng China kundi batikusin lamang ang nasabing bansa.

Payo ni Cayetano sa mga kritiko ng Pangulo, limiin at intindihin muna ang “substance” ng sinasabi ng Presidente bago ito bigyang ng maling kahulugan.

Una nang sinabi ng pangulo na maaring managot sa batas si Aquino dahil sa pagpapabaya sa ginawang military installations ng China sa west Philippine sea na inaangkin din ng iba pang mga bansa tulad ng Pilipinas.

Read more...