Drug den sinalakay sa Laguna

Arestado ang 16 katao matapos salakayin ang isang drug den sa Calamba City, Laguna.

Ayon kay Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar, Regional Director ng CALABARZON Police, nagsagawa sila ng operasyon para arestuhin ang isa sa mga suspek na si Jayson Parelez sa Barangay Parian.

Sumunod namang naaresto ng mga pulis ang isa pang suspek na si Ariel Homo.

Gayunman, itinuro ni Homo ang iba pa niyang mga kasamahan, dahilan para maaresto ang 14 na iba pa.

Narekober sa mga suspek ang 12 sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu at iba pang mga drug paraphernalia.

Read more...