Lalaki, sugatan matapos saksakin gamit ang itak sa Sampaloc, Maynila

Inquirer file photo

Sugatan ang isang lalaki matapos pagsasaksakin gamit ang itak ng isang lasing sa Sampaloc, Maynila, Sabado ng gabi.

Ayon sa pulisya, sinaksak ng suspek na si Rolando Olidan ang biktimang si alyas Pepi, 32-anyos.

Nagkaroon umano ng alitan ang dalawa dahil sa shabu.

Bumili umano ang suspek sa biktima ng isang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P700.

Ngunit nang iabot sa kaniya ang pakete, kaunti lang umano ang laman nito kung saan aabot lang sa P300 ang halaga.

Ayon sa suspek, binalik niya ang shabu kay Pepi at hindi na namalayang sinaksak ang biktima dahil sa sobrang kalasingan.

Mahaharap ang suspek sa kasong frustrated murder at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Sa ngayon, patuloy naman ang imbestigasyon ng puliysa kung nagbebenta ng shabu si Pepi.

Read more...