Pang. Duterte, humiling na tanggapin ang kanyang gawi sa pananalita

Inquirer file photo

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na tanggapin ang kaniyang gawi pagdating sa pananalita.

Sa kaniyang talumpati sa isang pagpupulong kasama ang ilang principal sa Davao City, sinabi ng Punong Ehekutibo na mayroong mga oras na bulgar ang kaniyang pananalita.

Giit pa nito, matanda na aniya siya para magbago pa.

Kung hindi aniya siya maiintindihan ang kanyang nakagisnan, humingi na lang ng paumanhin ang pangulo.

Ayon kay Duterte, mahigpit siyang pinalaki ng kaniyang ina na si Soledad kaya nakagisnan ang naturang gawi.

Read more...