Hinikayat ng Commission on Human Rights (CHR) ang publiko na manatiiling alerto laban sa mga bantang kontra sa karapatang pantao.
Ito ay matapos mapabilang si Pangulong Rodrigo Duterte sa inilabas na artikulo ng Time Magazine kung saan binansagan ang Punong Ehekutibo bilang isa sa mga strongmen kasama sina Russian President Vladimir Putin at Turkish President Recep Tayyip Erdogan.
Ayon kay CHR Chair Jose Luis Martin Gascon, hindi dapat manatiling tikom ang bibig hinggil sa mga tumututol sa demokrasya sa bansa.
Dagdag pa nito, dapat ding suriin ng publiko kung patuloy bang nirerespeto ng mga kasalukuyang pulitiko ang karapatang pantao.
Inilabas ni Gascon ang kanyang pahayag kasunod ng ika-31 anibersaryo ng CHR.
READ NEXT
Libu-libong residente sa Hawaii, lumikas dahil sa posibleng muling pagsabog ng Kilauea volcano
MOST READ
LATEST STORIES