Ayon kay Bautista, bagaman naging maayos ang proseso, mayroon pa ring mga improvement na kinakailangan. “Sa day 1 siguro kung bibigyan ng grade, 88. Pasado naman at may honor, pero pwede pang magkaroon ng improvement,” ayon kay Bautista.
Ilan lamang sa problemang nakita ni Bautista ang pagsuway ng ilang miyembro ng media sa tamang lugar kung saan kakapanayamin ang mga kandidato matapos silang maghain ng COC.
Sinabi ni Bautista na nakatulong din ang paglalagay ng TV monitor sa labas ng Comelec office para ang mga supporters ng mga kandidato ay hindi na makikisiksik sa loob ng gusali.
Maging ang sitwasyon ng COC filing sa iba pang panig ng bansa ay naging mapayapa naman, maliban lamang sa insidente ng ambush sa Zamboanga Sibugay.
Sinabi ni Bautista na malinaw na isang election related violence ang naganap na pananambang na ikinasawi ng incumbent Mayor na si Randy Adlawan Climaco ng bayan ng Tungawan at ikinasugat ng limang iba pa.