Ayon kay NFA Documentation and Legal Research Division Chief Richardson Bassig, ang importasyon ng naturang suplay ng mga bigas ay isasailalim sa government to government (G2G) deal at hindi sa government-to-private (G2P) scheme.
Matatandaang halos maubos na ang supply ng bigas ng murang bigas ng NFA.
Sakop ng importasyon ang 250,000 metric tons ng well-milled long grain rice.
Ayon kay Bassig, mas mababa ang presyong ipinataw ng Vietnam at Thailand sa reference prices na itinakda ng NFA sa isinagawang re-bidding noong Biyernes.
Inaasahan anya na ang lahat ng rice imports ay nasa bansa na bago o mismong sa June 30, 2018.
Samantala hindi naman lalampas sa May 31 ang delivery ng 60,000 metric tons ng bigas mula Thailand at 40,000 metric tons mula Vietnam.