Maalinsangang panahon iiral sa bansa ngayong araw

Walang namamataang sama ng panahon o low pressure area (LPA) ang PAGASA sa kasalukuyan.

Ngayong araw ay tanging easterlies lamang ang nakakaapekto sa bansa na magdadala ng mainit at maalinsangang panahon.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang mararanasan sa lahat ng bahagi ng bansa maliban na lamang sa mga pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.

Tinatayang aabot sa 35 degrees ang temperature sa Metro Manila ngayong araw at 36 degrees Celsius naman sa Tuguegarao City.

Read more...