16 patay sa pagsabog sa minahan sa Pakistan

Labing-anim ang patay matapos ang isang gas explosion sa isang coal mine sa Quetta City, Balochistan, Pakistan.

Gumuho ang bahagi ng minahan ayon kay Provincial Disaster Management Agency Chief Muhammad Tariq.

Anim ang nailigtas ng recue teams at agad na dinala sa pagamutan para bigyang lunas habang isa pa ang pinaghahanap na pinaniniwalaang naipit sa minahan.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang naging sanhi ng pagsabog.

Read more...