Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang pinatay na pilipino, na ang kalansay ay nakita sa septic tank sa isang pabrika sa South Korea noong Abril ay naiulat na nawawala dalawang taon na ang nakalipas.
Sinabi ng ahensya na kilala na ng South Korean authorities ang pinoy na responsable sa pagkamatay ng kanyang kababayan.
Hiniling umano ng mga otoridad sa Philippine National Police at sa Interpol na tugisin ang pinoy na suspek.
Ang biktima ay dumating sa South Korea noong 2016 at nagtrabaho sa pabrika hanggang ito ay mawala.
Hindi naman inilabas ng DFA ang pangalan ng biktima na positibong kinilala sa pamamagitan ng DNA testing.