Bangkay ng nawawalang Australyanong scuba diver, natagpuan na

Contributed photo

Matapos ang tatlong araw ay natagpuan na ang katawan ng Australyanong scuba diver na nawala sa karagatan ng Mabini, Batangas.

Ayon kay CALABARZON Police Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, natagpuan ng search and rescue teams ang mga labi ng biktima na nasa 70 metro ang lalim sa dagat.

Kinilala ang diver na si Andrew Kilbride, 49 anyos, negosyante at residente ng lungsod Pasig na nawala noon pang alas-5 ng hapon ng Miyerkules.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagsasagawa ng trimix course ang biktima kasama ang kanyang instructor na si Daniel Burgaud, 66 anyos.

Nasa 100 metro ang sinisid ng mga ito at matapos ang mahigit halos kalahating oras ay nawala na si Kilbride.

Isasalang naman sa autopsy ang katawan ng biktima.

Read more...