Erik Santos, may apela sa netizens tungkol sa cyber bullying

Nagpaalala ang Kapamilya singer na si Erik Santos na isang krimen ang cyberbullying sa ilalim ng batas.

Ito ay tila ginawa ng singer upang ipagtanggol ang kanyang kaibigang si Angeline Quinto na nakatanggap ng pambabash dahil sa umano’y pagtawa nito kasama ang singer ding si Morisette Amon sa naging breakdown ni Sarah Geronimo sa concert sa Las Vegas.

Sa serye ng kanyang Twitter post, umapela si Santos sa netizens na i-check munang maigi ang mga bagay bago pumuna.

Sinabi pa ng actor na mag-isip munang mabuti bago magpost at sinabing ang cyberbullying ay napapanagot na sa ilalim ng civil at criminal laws.

Matatandaang umapela si Quinto sa mga bashers na ilabas ang video ng sinasabing naging asta nil ani Amon sa breakdown ni Geronimo.

Naghimutok din ito sa umano’y natanggap na pagbabanta laban sa kanya at sa ina.

Read more...