Mac Cardona, arestado sa pananaksak sa ka-live in partner

Arestado ang dating PBA player na si Mac Cardona matapos nitong masugatan ang kanyang live-in partner.

Ayon sa Makati Police, isinugod ni Cardona ang kinakasamang si Bianca Nicole Jacket sa Makati Medical Center Sabado ng umaga.

Si Jacket ay nagtamo ng saksak sa kaliwang braso.

Sinaksak umano ni Cardona si Jacket sa gitna ng kanilang pag-aaway sa loob ng kanilang condominium unit sa Brgy. San Antonio, Makati City.

Una nang naaresto si cardona noong Pebrero matapos nitong isangla ang isang nakaw na SUV.

Read more...