SWS: Bilang ng mahirap sa bansa nabawasan

Inquirer file photo

Nakaahon sa kahirapan o poverty ang isa sa bawat tatlong Pilipino sa unang quarter ng 2018.

Ayon sa survey ng Social Weather Stations, umaabot sa 30% ng pamilyang Pilipino ang nakaalis na sa poverty line.

Naghirap naman ang 12% ng pamilyang Filipino. O katumbas nito ang isa sa bawat walong pamilya.

Sa 30% pamilyang nakaahon ng kahirapan, 18% nito ang “usually non-poor” o mahirap nang hindi bababa sa limang taon, habang ang 12% naman nito ay “newly non-poor” o mahirap sa nakalipas na isa hanggang apat na taon.

Ayon sa SWS, mas mababa ito nang dalawang puntos kaysa 14% newly non-poor na naitala noong Disyembre.

Batay pa rin sa survey, umaabot 58% ng pamilyang Filipino ang ikinukunsidera ang kani-kanilang sarili na hindi mahirap habang 42% ang ikinukunsiderang mahirap sila.

Isinagawa ng SWS ang survey mula March 23 hanggang 27 sa 1,200 adults sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Read more...