Ellen Adarna nakipagsagutan online sa isang netizen

Ellen Adarna IG post

Mainit ang pakikipag-sagutan ni Ellen Adarna sa pamamagitan ng Twitter sa isang high school student.

Kaugnay ito sa pag-video umano sa kanya habang kumakain sa isang sikat na Ramen House sa Makati city kagabi.

Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Ellen na nakatutok sa kanya ang cellphone ng dalagita at tila kinukuhanan siya ng litrato o video sa loob ng Mendokoro Ramenba.

Nilagyan pa niya ito ng caption na “When you PAP us, we PAP you. It’s a tie. #PAParazziMoves”.

Sa pamamagitan naman ng Twitter, sinagot si Ellen ng dalagita na nakilala sa pangalang Eleila at itinanggi ang paratang.

Sinabi nito na ang kinukuhanan niya ng video ay ang kanyang ramen at ang “interior” ng restaurant.

Muli naman siyang sinagot ni Ellen sa kanyang IG at sinabing “guilty” ito at halatang conscious nang makita na kinukuhanan din siya ng video.

“Girl, you can deny all you want but before your food arrived, you guys knew what you were doing. But whatever, feeling na kung feeling pero ‘di kami tanga.”

Sa nasabing post, tinag ni Ellen ang may-ari ng restaurant at kapitbahay na nagngangalang Elbert Cuenca at nanawagan na bigyan sila ng kopya ng CCTV para patunayan ang kanyang alegasyon.

Nanindigan naman si Eleila sa kanyang pahayag.

Read more...