Malacañang ipauubaya sa DFA ang isyu sa missile system ng China sa WPS

Hahayaan ng Malacañang ang Department of Foreign Affairs na gawin ang kanilang diskarte hingil sa ulat na naglagay ang China ng bagong missile system sa bahagi ng West Philippine Sea.

Sa pulong balitaan sa Davao City, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala ring balak ang Malacañang na ipatawag ang Chinese Ambassador para hingan ng paliwanag hingil dito.

Bagaman nakababahala ang nasabing report, sinabi ni Roque na hindi pa naman ito beripikado dahil nagmula lamang ang media galing sa isang media reports sa U.S.

Samantala, sinabi naman ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na hindi dapat manahimik si Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu.

Malinaw umano na banta ang nasabing missile system sa bansa dahil bahagi ito ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Mahalaga ayon sa nasabing opisyal na maghain ang Pilipinas ng bagong diplomatic protest at magpakita ang pamahalaan ng tapang sa naturang usapin.

Read more...