Plantsado na ang gagawing pulong nina U.S President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong-un.
Kinumpirma ni White Spokesperson Sarah Sanders na may napili na ring lugar para sa venue ng pagpupulong pero mananatili muna itong higly confidential sa kaalaman ng publiko.
Nagkasundo na rin umano si National Security Adviser John Bolton at ang kanyang counterpart sa North korea para sa venue ang petsa ng nasabing pag-uusap.
Nauna nang lumabas ang mga report na ngayong buwan ng Mayo magaganap ang paghaharap nina Kim at Trump.
Magugunitang sinabi ni Trump na masaya at excited siya na makausap ang lider ng North Korea.
Ilan sa mga naunang ulat ang nagsasabi na posibleng ganapin ang pulong sa Demilitarized Zone o DMZ ang lugar sa boundary ng South at North Korea samantalang may nagsabi rin na bukas ang Singapore para gawing venue ng naturang paghaharap.
Sa kanyang mga Tweet, sinabi ni Trump na siya mismo ang maghahayag kung saan at kailan ang nasabing pulong.