Gayunman, patuloy na nakakaapekto ang inter-tropical convergence zone (ITCZ) sa Palawan, Kabisayaan at Mindanao.
Dahil sa ITCZ, mararanasan ang maulap na kalangitan na may mahihina hanggang sa katamtamang pag-uulan, pagkulog at pagkidlat ang sa Palawan.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na may mahihina hanggang sa katamtamang pag-uulan, pagkulog at pagkidlat ang iiral sa buong Visayas, Caraga region, Soccsksargen, Lanao del Sur at Maguindanao.
Patuloy naman ang pag-iral ng easterlies sa nalalabing bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila na inaasahang magdadala ng maalinsangang panahon.
MOST READ
LATEST STORIES