Pangulong Duterte, nangakong tataasan ang sahod ng public school teachers

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na itataaas ang sahod ng mga pampublikong guro matapos ang ginawang umento sa sahod ng military at pulis.

Ito ang inihayag ng pangulo sa kanyang talumpati sa harapan ng mga public teachers at principals sa ‘37th Principals Training and Development Program and National Board Conference’ sa Davao City kahapon.

Gayunman, ayon sa pangulo, ‘incremental’ o paunti-unti ang dagdag sahod sa mga guro dahil hindi pa kaya sa ngayon na doblehin ito.

“But it would not be doubled. We can’t afford. I’m not blaming anybody, but simply there are too many Filipinos. We lack resources,” ayon sa pangulo.

Iginiit ni Duterte na alam niya ang paghihirap ng mga public teachers dahil siya mismo ay anak ng isang pampublikong guro.

Matatandaang noong mga nakalipas na buwan ay inihayag na ng pangulo ang kagustuhan na itaas ang sahod ng mga guro at inatasan ang gabinete na humanap ng paraan para maisakatuparan ito.

Ang anunsyong ito ng pangulo kahapon ay nakatanggap ng ‘cheer’ at positibong tinanggap ng mga guro at principals.

Read more...