Sa Huwebes ng gabi inaasahang papasok sa bansa ang nasabing bagyo at papangalanan itong Lando.
Huling namataan ang bagyo sa 2,535 kilometers east ng Luzon at kumikilos sa direksyong West Northwest sa bilis na 25 kilometers kada oras.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers kada oras. Sa sandaling makapasok sa bansa, ay maaapektuhan nito ang Northern Luzon.
Samantala, maagang inulan ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan ngayong umaga.
Sa abiso ng PAGASA, alas 4:50 ng umaga kanina, apektado ng thunderstorm ang Mauban, Quezon at ang Cabuyao at Calamba sa Laguna.
Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang naranasan sa Metro Manila, Bulacan, Batangas at Rizal.