Mga bagong testigo sa Mamasapano, kaduda-duda

SAF/JAN.29,2015 Pictures of the slain PNP SAF killed in an alleged "misencounter" with MILF and BIFF in Mamasapano,Maguindanao displayed outside the gates of  Camp Bagong Diwa, Taguig. INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA
INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA

Sa halip na mga reliable witnesses, mga indibidwal na may mga kuwestiyunableng motibo ang humarap sa Department of Justice Special Investigation Team habang isinasagawa nito ang second phase ng imbestigasyon sa Mamasapano massacre.

Sa isinumiteng report ng National Bureau of Investigation-National Prosecution Service (NBI-NPS) na kanilang isinapubliko kahapon, inihayag ng mga imbestigador na may mga nag-alok magbigay ng impormasyon ukol sa insidente sa Mamasapano.

Ngunit ayon sa NBI, kahinahinala at kakaibang bersyon ng insidente ang naging laman ng mga testimonyang nakuha nila sa pagitan ng June at August mula sa mga nasabing saksi.

Kinausap ng panel ang mga umano’y testigo sa pag-asang makakatulong ang kanilang mga impormasyon para matukoy ang mga pumatay sa siyam na Special Action Force’s (SAF) 84th Seaborne Unit na kabilang sa 44 SAF troopers na napatay sa Mamasapano.

Ayon sa NBI report, matiyagang pinakinggan ng panel ang mga testimonya ng mga testigo ngunit nabatid rin nila na tila gawa gawa lamang ang kanilang impormasyon.

Dagdag nila, bigo rin silang mapatunayan ang kredibilidad, kalinawan at katotohanan sa mga pangyayaring itinala ng mga testigo.

Dahil sa pagiging kahina-hinala ng mga ito, nagdesisyon silang huwag na itong isama sa paggawa nila ng ikalawang report ukol sa insidente, at ibigay na lamang ang mga detalye kay Justice Sec. Leila de Lima sa isang “secret memorandum”.

Samantala, hindi rin naging malinaw kung ang kakaibang detalyeng ibinigay ng mga nasabing testigo at ang “alternative version” na nakuha ni Pangulong Aquino ay iisa lamang.

Matatandaang walang inirekomendang kasuhan matapos ilabas ang ikalawang Mamasapano report ng DOJ.

Read more...