Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez dahil hindi regulated ang social media walang batas na gagabay para sa paggamit nito sa pangangampaniya ng mga kandidato sa mga pampublikong posisyon.
Aniya mahirap din bantayan o tutukan ang social media dahil sa lawak ng naabot nito at malaking bilang ng gumagamit nito.
Ngunit pagdidiin ni Jimenez na ibang usapan na kung ang face value ng social media posts ang pag uusapan.
Paliwanag nito ang post na may halatang malaki ang production value ay maaring punahin dahil halata na ginastusan na ito ng pera.
MOST READ
LATEST STORIES