Sinabi ni Cayetano na nakikipag-ugnayan na siya sa Department of National Defense (DND) at government intelligence community ukol sa mga bagong missile facilities ng China sa Spratlys.
Aniya ang ibabahagi sa kanyang mga ulat ang magiging basehan ng gagawin nilang hakbang.
Ngunit sinabi nito na malaking hamon para sa Pilipinas ang pagpapalakas ng presensiya ng China sa rehiyon.
Paliwanag nito komplikado ang sitwasyon dahil maraming bansa ang nakikipag-agawan sa China.
Aniya kailangan na magkaroon ng iisang hakbang ang ibang bansa kasama na ang Pilipinas hinggil sa agresibong aksyon ng China.